Inspiring Inclusivity: Xpress' Lady Rider
May 8, 2024

Ang Xpress ay nakikiisa sa pagbibigay pugay sa mga natatanging kababaihan sa buong mundo ngayong Women’s Month na may temang #InspireInclusion. Sa industriya gaya nang ride-hailing na dati ay puro lalaki lamang ang nasa ganitong trabaho, ngayon ay popular na din itong trabaho para sa mga babae. 

Kahit na baguhan pa lamang sa ride-hailing ang Xpress, may isang babae ang sumubok at nagbigay tiwala sa Xpress para maging source nang kanyang dagdag na pagkakakitaan.

Taong 2019 nang magsimulang pumasok sa mundo ng logistics si Irene Sicabalo, 35 taong gulang at isang lady rider. Nag-umpisa bilang isang food delivery rider, ginawa niya itong alternatibong hanapbuhay nang mag-desisyon sila ng kanyang partner na mag-full time riders, imbis na ipagpatuloy ang pagiging empleyado ng kompanya.

Pagiging Xpress Rider

Ang tipikal na araw para kay Irene ay nagsisimula sa paghahanda ng kanyang mga anak sa pagpasok at sa paghatid sa mga ito sa eskwela, pagkatapos nito ay magsisimula na syang kumuha ng bookings. Kalimitang natatapos ang kanyang pagbyahe nang alas-otso ng gabi. Ngunit sa kabila nito, naisisingit niya ang kanyang mga responsibilidad bilang isang ina–nagagawa niyang ihatid at sunduin ang kanyang mga anak sa paaralan at makasabay sila sa pagkain.

Ayon kay Sicabalo, nalaman niya ang tungkol sa Xpress mula sa social media, nag-inquire siya tungkol dito at naging interesado, “Naghahanap na talaga ako nang iba pang pwedeng pagkakitaan para makadagdag sa pang araw-araw naming gastusin”, saad ni Sicabalo.

Nabanggit din niya na hindi siya talaga sanay magsakay ng tao sa motor dahil sa una niyang trabaho bilang rider, kadalasan ay pagkain lamang at magagaang items ang kanyang dini-deliver. “Nag-practice talaga ako mag-ride na may sakay na tao sa kagustuhan kong maipasa yung driving skills assessment sa Xpress. Sa awa ng Diyos, naipasa ko naman at activated na akong Xpress driver account ko”, dagdag ni Sicabalo. Imbis na panghinaan ng loob, ginamit ni Irene na motibasyon na ang Xpress ay makakatulong sa kanilang pamilya para sa pang araw-araw na gastusin kaya pinaghusayan niya na matutong mag-motor na may sakay na tao.  

Bilang isang babae at rider

Kalimitang madidinig sa mga riders na ang pagiging rider ay hindi birong hanapbuhay. Bukod sa babad sa init ng araw, kalimitang nasusubok ang iyong pasensya. Ang lahat nang ito ay hindi alintana ni Sicabalo. Ayon sa kanya, marami sa kanyang mga kapitbahay ang nagdududa sa kanyang kakayahan at sinasabing, “babae ka lang, kaya mo ‘yan?”, ang mga ganitong komento ay hindi pinansin ni Irene dahil para sa kanya, kung kaya ng mga kalalakihan ay kaya din ng mga kababaihan. 

“Bata pa lang ako, palaging gusto kong subukan yung mga inaakala kong di ko kaya, gusto kong maiba. Nagka-Karate at Taekwondo [ako], sinusubukan ko kung ano ang kaya ng lalaki, alam kong kaya ko din”, saad ni Sicabalo.

Dahil dumadami na ang mga babaeng pinapasok ang larangan ng ride-hailing, para kay Irene ito ay isang magandang senyales na bawat sa industriyang ito, may pantay na pagtingin sa mga lalaki at babae. At dahil dito, ito ang kanyang maipapayo sa mga kapwa niya babae, “Sa mga kagaya kong lady riders, laban lang tayo sa hamon ng buhay. Wala namang pinipiling kasarian ang trabahong ito. Ang mahalaga, masaya t mahal natin ang ating ginagawa at ‘wag natin kalimutan magdasal palagi”.

Ang Xpress ay inaanyayahan ang lahat, babae man o lalaki na subukan ang bagon ride-hailing platform na ito na maaaring magamit para sa mas-stable na income para sa pamilya at para masimulan ang byahe para sa pag-asenso. I-download na ang Xpress Driver app!

Elize Banez
PR and Content Specialist
Posted by
Elize Banez
,
Related Articles
View more stories